KAPUSO MO, JESSICA SOHO: Makilakbay sa biyahe ng Kariton Classroom
Posted on 05 May 2009 by KMJS admin
ni Joselito C. Tan, Segment Producer
“Tahakin mo ang panibagong landas…Harapin ang panibagong bukas… Kapit-bisig sa pag-abot ng pangarap…Tara na…tara na.” “Tara nang maglakbay sa landas ng buhay… Huwag basta na lang magpatangay… Makilakbay…”
Hanggang ngayon, nala-last song syndrome (LSS) pa rin ako sa linya ng kantang ito na kinompose at inawit ng volunteers ng Kariton Classroom. Sa katunayan, ringtone na rin siya ngayon ng cellphone ko. Hindi lang kasi masarap sa tenga ang melody nito… kundi sa lyrics pa lang ng kanta, napaka-positibo na ng mensaheng nais nitong iparating.
Nang ma-assign sa akin ang istoryang ito, kabado ako. Sabi kasi ng Executive Producer ko, gawin ko na raw ang lahat ng pagta-tumbling na alam ko, para maganda kong magawa ang segment na ito. Special kasi ang episode na gagawin namin para sa linggong iyon. At para sa aking na baguhan sa programa, inisip ko na lang na malaking hamon ito, at break na rin sa aking producing career. Nanalig na lang ako na magiging maganda ang kalalabasan nito.
Noong una kong makadaupang-palad ang mga batang-guro ng Dynamic Teen Company, hindi ko talaga naitago ang aking paghanga. Sa panahon ngayon, bibihira na kasi ang mga kabataang tulad nila. Sa kabila ng kanilang mga murang edad…talaga namang nag-aalab na ang diwa ng bolunterismo sa kanilang mga puso. Sa halip kasi na gugulin ang kanilang mga oras sa paglalaro o kaya ay sa pakikipag-barkada, mas pinili pa rin nilang ilaan ang kanilang mga oras sa mas makabuluhang mga bagay — ang magturo sa mga batang lansangan. At higit sa lahat, sa kabila ng kahirapan ng buhay, napaka-positibo pa rin ng pagtingin nila rito. Walang duda, sila nga ang kailangan ngayon ng naghihirap nating bayan.

The Kariton Classroom
Kaya’t sabi ko sa sarili ko, magugustuhan ng mga tao ang istoryang ito. Kumbaga, “for a change” naman. Kadalasan kasi, puro negatibo ang tema ng mga napapanood natin sa tv. Sa pagkakataong ito, malaman naman ng mga manonood na ang mga bata sa Pilipinas, hindi lang basta-basta nagpapatangay sa hirap ng buhay kundi gumagawa rin sila ng paraan para labanan ang kahirapan.
At ang isa pang nakamamangha sa youth volunteers ng Kariton Classroom, karamihan sa kanila, dating sakit ng ulo ng lipunan. Mayroon sa youth volunteers, dating akyat-bahay. May iba, laking-kalsada. Mayroon ding ilan, matagal nang buhay ang pamamasura. At ngayon, ang bisyo ngang kanilang pinagkakaabalahan, ang magturo sa mga kapwa nila bata. Talaga namang nakatutuwa at nakamamangha.
Hanggang sa sumama na nga kami sa kanilang weekly outreach.
Nakabibilib ang kasipagan ng mga volunteer teacher na ito. Habang itinutulak nila ang kanilang kariton sa ilalim ng nakapapasong sikat ng araw, hindi mo sila kariringgan ng kahit na anong reklamo. At hindi rin biro ang bigat ng karitong kanilang itinutulak. Laman nito ang kanilang blackboard, lamesa, monoblock chairs, galon ng tubig-pampaligo, samu’t saring mga libro, kuwaderno, laruan at lona.

The props and learning materials inside the Kariton
Ang kanila namang lalakarin, humigit-kumulang limang kilometro. Tiyak na mamumula ang kamay ng kahit na sinong tutulak dito. Kaya kahit tagaktak na rin ang aming pawis habang umiikot ang tape ng aming kamera, tuloy lang kami sa pag-cover.
Dito ko nakilala ang sampung taong gulang na si Chris. Siya ang pinakabatang miyembro at volunteer teacher ng DTC. Si Chris din ang hygiene demonstrator ng grupo.

Mam Jess interview Chris of Kariton Classroom
Bilib ako sa disposisyon at pananaw sa buhay ng batang si Chris. Sa pakikipagkuwentuhan ko sa kaniya, aakalain mong isang matured na mama na ang aking kausap. Ang mga isinasagot niya sa aming mga tanong noong interview, talaga namang may pinaghuhugutan.
Isa siya sa mga nabago ang buhay dahil sa DTC. Sabi nga ng iba niyang mga kasamahan sa Kariton Classroom, malayong-malayo raw ang hitsura ni Chris noon at ngayon. Dahil sa DTC, tinalikuran niya ang dating pamamasura at hinanap ang pangarap sa pagtuturo sa mga kapwa niya bata. Hindi lang din simpleng pagtuturo sa Kariton Classroom ang ginagawa ni Chris, dahil sa tuwing sasapit ang kaniyang birthday, namimigay din siya ng mga tsinelas sa mga batang-lansangan. Ang perang kinita niya mismo sa pagbebenta ng candy sa kaniyang eskuwelahan ang pinambibili niya ng kaniyang birthday giveaway. Talaga namang saludo ako sa kabutihan at kagandahang-loob ni Chris.

The tireless teachers and students of Kariton Classroom
Sa buong araw ng pagsama namin sa mga volunteer ng Kariton Classroom, dito ko nakita ang kalunos-lunos na mukha ng edukasyon sa ating bansa. Karamihan kasi sa mga kabataang tinuturuan ng Kariton Classroom, hindi pa nakatutuntong ng paaralan dahil sa kahirapan. Kumbaga, ang ganitong sistema ng edukasyon na lang ang pinaka-inaasahan nila para kahit paano’y matuto ng aritmetika at simpleng abakada.
Sa dami ng mga estudyante ng Kariton Classroom, nakatutuwa rin na hindi man lang kakikitaan ng pagkapagod ang volunteer teachers. Sa katunayan, magiliw pa rin nilang tinuturuan ang kanilang mga estudyante kahit na kadalasan, ang ilan sa mga ito’y pasaway. Sabi ko nga, kung ako ang tumayo sa lugar nila, malamang, hindi magkakasya ang maikling pisi ng aking pasensiya.
Sa buong araw ng pagsama ng aming team sa Dynamic Teen Company, dito ko rin naisip, kung ang bawat bayan nga siguro sa Pilipinas, ay gagayahin ang konsepto ng Kariton Classroom, malamang kahit paano, makatutulong ito na mabawasan ang kamangmangan ng ating mga kabataan. Kung sa bawat lugar sa Pilipinas, may kahit isang karitong lilibot upang magturo sa mga batang-lansangan, malaking pagbabago ang maaaring idulot sa ating lipunan. At kung ang kabataan ngang ito, kaya nang gumawa ng pagbabago sa mga munti nilang paraan, tiyak na mas may magagawa ang ating pamahalaan at ibang mga maykaya nating mga kababayan.

The students’ only hope
Sa pagbalik namin sa opisina, umaasa ako na kapag naipalabas namin ang kuwento ng kabayanihan ng DTC volunteers at ang kanilang Kariton Classroom, may mga taong magpakita ng interes para tumulong sa kanila. Malay natin, bukas o makalawa, hindi lang isandaang estudyante ang matulungan nila, kundi sumampa pa sa bilang na hindi natin inaasahan.
Matapos mailabas ang kanilang istorya sa aming programa, nakatataba talaga ng puso nang makatanggap ako ng text messages mula sa kabataang volunteers ng Kariton Classroom. Nagustuhan daw nila ang aming pagkakagawa. Para sa akin kasi, iba ang papuri kapag nanggaling sa mga bata. Talaga namang nakatutuwa. At dahil daw doon, honorary teammate na rin ako ng DTC. Masaya ako na kahit paano, sa simple naming paraan, nasuklian namin ang kanilang kabayanihan at kabutihan. Isa ito sa mga nagawa kong istorya na aking lilingunin, babalikan at hinding-hindi malilimutan.
At katulad ng lyrics ng kantang ginawa ng Kariton Classroom volunteers…huwag tayo basta-basta magpapatangay sa hamon ng buhay…matuto tayong lumaban…makisabay at makilakbay…


marie agustin said:
This story is so inspiring, i hope more youth will do the same. This is really a call for our government to make an extra effort to allocate higher budget for school buildings especially in remote areas and supply needed books for the children.
Choi Nido said:
Nice group that you establish. I hope you can help all children that didn’t attend or try to study. Thanks! God Bless!!! ^___^
Cheryl Rathod said:
You’re a real hero, Efren. Our country needs more people like you- altruistic and selfless… keep it up!
Cheryl Rathod said:
Mabuhay ka at ang Dynamic Teen Company!
angel neri said:
AKO MISMO
MAKIKILAKBAY
tungo sa pagbabagong buhay!
Ipakita natin ang katatagan ng mga Pilipin at ang tunay na diwa ng pagiging Makabayan!
Ibahagi natin anumang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon.
Wag basta na lang magpatangay,
TARA NA AT MAKILAKBAY!!!
angel neri said:
Patunayan natin sa buong mundo na tayo ang simula ng minimithing pagbabago.
Mabuhay Dynamic Teen Company,
Mabuhay Pilipino!
Mandy Adea said:
You’re the unsung heroes of our time. As secretary of Fil-Am Kiwanis Metro LA, California which is a part of a worldwide organization, KIWANIS INTERNATIONAL, whose main emphasis is “Serving the Children of the World”, I shall endeavor to assist your organization in
whatever I can do to support you. Mabuhay!
Albin Guinto, Jr. said:
Nagsisilbi kang inspirasyon lalo na sa panahong ito, na marami sa ating kapwa Pilipino ay humuhugot ng lakas para tahakin ang bukas na may TATAG AT PANINIWALA NA KAYA NATING IANGAT ANG LAHING PILIPINO. Marami kang binubuksang kaisipan na maraming maaaring gawin at bawat Pilipino ay kakayaning suungin ang mga pagsubok…NANANALIG AKO NA PATULOY NA DUMAMI ANG TULAD MO, NA SA MURANG EDAD AY NAGAWANG IPAKITA NA KAYA NANG PINOY…MABUHAY KA SAMPU NG IYONG MGA KASAMA. ISA KANG TUNAY NA PINOY!
doc hipolito said:
this is the real alive hero, hope that those politicians who are aspiring to be a hero will join this hero of all time. HOY GISING! nasaan na yung mga dating nangigising, tulog pa rin ba? ACTION!
sherwin said:
lupet mo tol, sna mrming pang tulad mo.. sna mkdaan k d2 s lugar nmen.. pra maipakita mo s mga kbtaan d2 kung ano ang hlga ng pagaaral… slmat, keep up the good work.. godbless!!!!
Allan Loristo said:
Two thumps up! Hopefully more youth leaders replicate your program (KKKK) in their respective communities. Congrats!
Serry Paniza said:
Ang paglilingkod sa kapuwa ay hindi lamang sa talino at kakayahan o
katayuan sa buhay o posisyon sa pamahalaan. Ang tunay na serbisyo sa kapuwa ay magagawa ng lahat o kung ito ay may dedikasyon na nagmumula sa puso. Dapat silang maging modelo ng lahat ng mamamayan. Kakaiba at kahangahanga ang kanilang ginagawa, patunay lamang na hindi dapat umasa ang lahat sa pamahalaan na walang ibinibigay na karangalan sa bansa kundi puro
kahihiyan lamang. SALUDO AKO SA IYO DTC
Joey Herbas said:
Ang pagtulong sa kapwa ng buong puso at walang hinihintay na kapalit ang totoong kalikasan ng pagiging maka-Dios. Sana’y ganito ang saloobin ng mga taong nasa Gobyerno na may pusong pagmamalasakit sa kapwa at pagkatakot sa Dios. May pag asa pa ang Pilipinas..sa pamamagitan ng mga taong tuwid ang landas.
grace a said:
truly inspiring!
it is nice to know that there are people like the DTC volunteers who can make a difference. i hope and pray that there are benevolent persons who can at least help you in one way or another most especially in the funding of educational materials for your Kariton Classroom.
i salute you!
C said:
Can I teach? will a degree do or do I still need an accreditation from DECS?
ana said:
Naalala ko isang kanta ni Joey Ayala.
“Dagli lamang ag ating buhay tilamsik sa dakilang apoy
Ang bukas na nais mong makita ngayon pa man simulan mo na.
Katwan at isipa’y kukupas sa lupa yayapos din.
Subali’t ang bunga ng inyong pamana’y higit pa sa pinagmulan…”
Ako ay napapangiti at puso’y nagagalak na sa mura niyong mga edad
nasimulan na ninyo ang pamanang iiwan ninyo sa mundo.
kayo nga ang bukas at ang bukas ay puno ng pag-asa.
Saludo ako sa inyo!
jacktherippler said:
Mabuhay kayo! Ipinangangampanya ko na si Efren. Manalo sana sya/kayo. Saludo ako sa inyo!
Noel M said:
One humble person, giving his time to less fortunate children can really makes a good news. More power to Kariton Classroom and Efren P.
Miguelito G. Mangilit said:
Isa rin akong guro sa pampublikong paaralan sa Cabiao Nueva Ecija. At ako’y nainspired sa inyong adhikain bilang kabataan. Sa napakamura ninyong edad nag-aalab sa inyo ang kabayanihan, kayo ang kailangan ng ating bayan. Ipagpatuloy ninyo ang inyong nasimulan, at kung makatutulong ako sa inyo nandito lang po ako. At kay Sir Efren Penaflorida saludo ako sa ‘yo. Isa ako sa bumoto sa yo. Keep it up. and Congratulations to DTC.
John Ralph Rayala said:
Proud to be a Filipino!! Dakila ka Efren!
Cesar P. Patulot said:
We would like to help Efren’s noble cause. I am a Filam, and in the Philippines now for the past 3 weeks.
How can I help his cause, and would like to meet him personally?
God bless,
Cesar P. Patulot
Manila cell: +63928 *** ***
janell b. said:
a true hero!!!!I hope i can help,even in a small way…so inspiring…ATTENTION ALL POLITICIANS!!!THIS IS A SLAP TO YOUR FACE…THOUGH YOU DON’T CARE AT ALL,BUT PLEASE FOR THE SAKE OF THE YOUNG CHILDREN & ONCE & FOR ALL LISTEN TO YOUR CONSCIENCE!!!!
janell b. said:
I’M SO PROUD TO BE A FILIPINO!!!THANK YOU LORD FOR MAKING ME A FILIPINO
liza romero said:
Saludo ako sayo! ka Efren, bibihira ang taong katulad mo, na buong puso nag nanais na makatulong sa mahihirap natin kababayan na wala ng anuman hinihintay na kapalit..Naway mamulat sa magising sa katotohanan ang mga namumuno sa atin bayan na di kailangan ang pagpaparami ng pera para lang makatulong sa mahihirap nating kababayan.
Sanay di ka mapagod, at magsawang magaalabin ang pagtulong sa kapwa..edukasyon ang tanging punuhan upang makaahon sa kahirpan..
Mabuhay kayo! mga caviteno
marceliana m. sanson said:
Salamat Efren. Ako’y isang guro na malapit nang magreretiro. Ako’y nalulungkot dahil iiwanan ko na ang daigdig ng pagtuturo at ang estudyanteng uhaw sa mga pangaral ng mga kagandahang – asal unti-unti nang nawawala sa kanila dahil sa impluwensya nang kapaligiran. Nguni’t ako’ nabuhayan ng loob nang nakita ko ang iyong accomplishments sa abs-cbn habang nanawagang bubuto sa iyo. Kinabukasan din ay dinala ko ang aking mga estudyante sa aming computer lab. at hinikayat silang buboto sa iyo. Mabuhay ka Efren at sa iyong mga kasamahan!
romm baluyot said:
we are a generation lost and we are in bad need of role models; to follow their endeavours so that we can be motivated again to do something beautiful and noble. stand out and be the standard, when you became the standard, the rest will follow. let us imitate efren and his company.
Peter Daniel B. Viana said:
thats for sure there will be an advantage for all street children to have an opportunity to be a professionals a good professionals rather,,,,, sau magsisi mula ang pag asa ng bawat mamamayang pilipino bata man o matanda …more power and godbless
from:::: A .sison st. sta, cruz cavite city
Peter Daniel B. Viana said:
thats for sure there will be an advantage for all street children to have an opportunity to be a professionals a good professionals rather,,,,, sau magsisi mula ang pag asa ng bawat mamamayang pilipino bata man o matanda …more power and godbless
cavite city
amd said:
i have been searching for a shipper here in southern california who could commit to assist me in shipping books to Efren’s Dynamic Teen Company, and it’s so sad because no one was interested to do it without charging me. i only work parttime as teacher asst in the school district with children who have autism, and have started a project for their team by asking for book donations from diff schools in our district. the response was so overwhelming, they gave me hundreds of GOOD BOOKS that they have discarded at the end of the school year. only 1 shipper responded by giving me a discount of their shipping fee. Ms Soho, i wld greatly appreciate if u cld assist me on this matter by finding me a partner shipper on this worthy project . wld u know or recommend any shipper who cld do it for “gratis” because there will be more donations coming. thank u and God bless. Efren’s dedication and passion to help these kids become good citizens of our country is truly AMAZING, may he win the CNN HERO Award! ALL the best to Ef and his team!
ralph boie rance said:
Im proud to be a Cavitenio!!..sa mga gawaing ito jan po natin makikita ang pagiging matulungin, masikap, at may pagmamahal hindi lang sa ating bayan kundi narin sa mamamayang nangangailan.. na hindi na kailangan pang umasa sa gobyerno kundi ay sa sarili nalang natin ay kaya na nating magbuklod upang tayo ay umahon..at hindi ang sariling pangiteres lamang.. sana po dumami ang katulad ninyo na may malasakit..
Josephine said:
Mabuhay kayong lahat lalong-lalo ka na Efren! Saludo ako sa ‘yo! Sana marami pang taong kagaya mo at matutulungan mo. Congratulations nga pala at ikaw ang hinirang na CNN Hero of the Year!!! I’m so proud of you! You deserve it!! May God Bless You and your team!!
Jocelyn Hild said:
Truly inspiring to do something that is noble
Roldz said:
Congratulations Efren for winning the CNN Hero of the year ! indeed you are a hero worthy to be emulated! WE need more Efren…Mabuhay ka!
zen opperman said:
Kuya Ef won as the CNN Hero of the Year! Congrats! Go Pinoy!
monalisa quiazon said:
Salamat sir efren sa walang sawang paglilingkod sa mga batang uhaw sa edukasyon.Sana nga lang na ang ating gobyerno na naglilingkod sa ating bansa ay maging isang katulad mo na makabayan at makaDiyos na tapat talaga sa tungkulin at hindi ang sarili ang iniisip.Salamat sayo at mabuhay ka!
monalisa quiazon said:
Salamat sir efren sa walang sawang paglilingkod sa mga batang naghahangad ng edukasyon.Sana nga lang na ang ating gobyerno na naglilingkod sa ating bansa ay maging isang katulad mo na makabayan at makaDiyos na tapat talaga sa tungkulin at hindi ang sarili ang iniisip.Salamat sayo at mabuhay ka! May God bless you more!
Onegam Sliver said:
Job well done, Efren. Very true, Education is the key to the future and the very weapon against poverty. No one can took it away from you. I was once a street urchin and our family was the poorest among the poor but I persevered (looked for discarded bottles and sold it, a shoe shine boy, sold newspapers, an errand boy at the palenque, hawk souvenirs among tourist visiting the city and from time to time the cops chase us, cultivated flowers/ornamental plants, and tilled the land to plant rot crops). I had dreams when I was a little kid, to go to far away land. Every time an airplane pass by, one day when I grow older, I will be on that plane. Every child should dream and some other people like Efren can make their dreams come true. Truely, job well done and best wishes.
Ding Simon said:
Sa tanong ni Efren sa Programang “Isang Tanong” ng GMA last Nov. 22, “Paano ang maging bayani?” sa palagay ko dapat tulad ng ginagawa ni Efren, may tunay na pagmamahal sa bayan at handang isakripisyo ang personal na kaligayahan. Marami na siyang natulungang kabataan, na sa halip na maging salot sa lipunan ay naging productive at kasa-kasama nya sa kanyang gawain.
Sana maging ganito ang kaisipan ng ating mga politiko, huwag pansarili ang at pagpapayaman ang nasa isip. Gumagawa sila ng mga proyekto para kumita.
Sana ang mahalal na mga pinuno ay makaisip ibangon ang dignidad ng mga Pilipino. Sana dumating ang araw wala ng Pilipinang domestic helper o entertainer gaya ng mga ‘Japayuki’ sa ibang bansa. Kaya mababa ang tingin sa atin ng ibang lahi.
At malutas na sana ang korupsyon sa bansa.
Pagharian nila sa kanilang puso ang salita ng Diyos, upang magkaroon sila ng takot na gumawa ng katiwalian, at nakakatiyak ako uunlad ang ating bayan dahil ang pagkatakot sa Diyos ay panimula ng karunungan, Prov. 1:7 / Prov. 9:10
Claydy said:
You are the epitomy of inspiration for the young people of our Country. Saludo kami sa inyong lahat. May God continually bless all of you.
Steve A. Solano said:
Sa gitna ng isang bayang uhaw sa pagmamahal at edukasyon, ang tanging pag asa ay isang katulad mo na buong puso at buong tapang na humarap sa hamon ng mapanuring buhay. Dakila ka Efren, isa akang inspirasyon sa mga katulad naming mga guro. Ipinagmamalaki ka namin!
Rian Jesulem Flores said:
Congratulations Efren for winning the CNN Hero of the Year! Thank you for making us proud being a Filipino! More power to DTC and God bless!
Washington DC said:
Kudos to you Efren! The world needs more people like you and God will always bless you.
**Another chance for those greedy politicians running for office next year to exploit this hero’s stardom into their dirty political parties and agenda**
weng pumar said:
Dakila ka Efren pati na rin ang Dynamic Teen Company, saludo ako sa inyo. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ipinagakaloob nyo sa ating mga kabataan. Kayo ang totoong pag-asa ng ating bayan.
Mabuhay kayo!!!
Isa ako sa bomoto sa yo.
Billy Palatino said:
Good day DTC! i was so inspired by your advocacy and your goal to have change and like you guys i have the same urge…to become also a volunteer and to be an agent of change…i do really want to join the group so i can share my skills and my knowledge gained…may i ask how?…thank you and more power….and congrats to kuya Efren…you really deserve the award and as the leader of the group you have set great example…God Bless! and Mabuhay k Kuya!!!!!! Saludo ako Sayo….pls reply to me..
JOSEPH M, REFRAN said:
NANG NAPONOOD NAMIN SA TFC ANG KARITON CLASS ROOM AT ISA KA SA NOMINADO CNN HERO HINIKAYAT KO ANG BUONG ORGINAZATION DITO SA SINGAPORE LALONG LALO NA ANG FILIPINO ASSOCIATION OF SINGAPORE ( FAS ) AT EVERGREEN SINGAPORE INTERNATIONAL NA SUPPORTAHAN KA NAMIN SA MAGANDA MO LAYUNIN SA MGA KABATAANG FILIPINO, SANA LAHAT NG POLITIKO SA ATIN MAY MAPULOT SA INYO ISANG HALIMBAWA, MABUHAY KA EFREN
rosette v. said:
You’re an inspiration Efren, your giving the less fortunate children not only a chance for a good education but also hope that there will be a better tomorrow for them… I wish some youth leaders here in San Pablo City can put up a team like yours so that we can alleviate the lives of the impoverished children. I want to help even in my own small way… keep it up guys…Kudos!!
elvina de leon said:
Naninindig ang balahibo ko sa pagbasa ko ng tungkol sa kariton classroom, because I myself “was” a teacher back home in the Philippines, but I instead chose to leave my own country to look for a better future. Maraming mahuhusay na guro, na marami pang puedeng ituro… pero saludo ako kay Efren. So young yet so caring for the welfare of others. Congratulations for winning the CNN Hero award….
john allen alcomendras said:
heroes can be much appreciated if they are alive and a good example of these is KUYA EF … he doesnt bring dollar home like like the OFW which we call “HEROES” but he bring HOPE TO THE HOPELESS. hw i wish that each in the community in our country has a KUYA EF to guideour children teaches them good values and making them the BEST person in our community… KUYA EF your my president
NeilGMAc said:
Sana ang maging presidente ng Pilipinas kagaya ni Kuya EFREN!!!
Theodosius Cruz said:
Kuya Efren indeed made the Filipinos Proud again! He gave the Filipinos pride for making it in CNN. Trully a HERO of our time!
chilo nuyda said:
congratulatiOns kuya efren!!! gusto kong maging katulad mo..nakakatulong sa mga higit na nangangailangan..kahit salat man sa mga materyal na bagay ay higit namang pinahahalagahan ang kakayanang makatulong.. i am one of those who voted you and iam very very proud of of it! …sana mga simpleng bagay na ito ay marami pang mga kabataan ang maging aktibo sa mga makabagong bayanihan. pinatunayan mulamang na hindi problema ang kahirapan kung ang tao’y nagtutulungan.
Felicia Di said:
Living heroes really exist…we can be one of them! Cheers!
Buena Cameron said:
Congratualations — truly you are children of God.
Buena Cameron said:
I will send you a good one. My mind can not think of too much excitement.
biboy said:
media, thank sa inpormasyon sa tunay na mukha ng pilipinas.
jasmelita canlapan said:
Muli mong pinatunayan na hindi ang yaman ang sagot sa tagumpay,
kung hindi ang wagas na hangarin sa buhay.
Magsilbi ka sanang gabay sa ating mga mamayan na pagpulutan nang
aral, para ang ating bukas ay magsimulang magkabuhay.
Tunay kang dakilang dapat parangalan,
Pag-asa nang mga kabataan iyong binigyang kulay.
Ikaw ang nag-simula at sila ang tatapos,
Ikaw ang pag-asa para sa bukas, huwag ka sanang magbago!!!
we are said:
you truly inpire kuya efren! i hope it will inspire other youths to go out of their comfortable lives and walk the talk. thank you for the example.
red ilas said:
sa diwa ng pagbabahagi ninyo ng kung anuman ang mayroon kayo, sa pag-asang mayroong magagawa ang munting kariton at sa di masakop na pagtingin sa kaalwalan ng kagandahang-loob, nais kong buong puso na tingalain ang inyong positibong pananaw sa buhay na nauuwi sa positibong pagkilos.
Cavite is not alone in recognizing your passion. Indeed, the whole world is inspired by the enthusiasm you have been showing..
Mananatiling buhay ang ispiritu ng boluntirismo hangga’t may mga taong tulad ninyo!
Joseph Molinas said:
Thank you Sir Efren and to your Dynamic teen Company, your the inspiration to the Filipino Youth, may God bless you more!!!!!!
romel said:
sana sa mga pulitikong mahihilig sumakay sa kasikatan ng isa nating kapwa pinoy na nagbibgay din ng karangalan sa bansang pinas sa tuwing sya ay nanalo sa kanyang laban ay maka pag isip sila ng mabuti na ang mga kagaya ni Efren ang syang dapat bigyan ng pansin,suporta at tulong dahil ang ginagawa nya ay tunay namang may buting naidudulot sa ating mga kababayan at sa bansa natin na wala naman nakakamit na gantimpala para sa kanyang sarili na di tuulad nung lagi nilang sinusuportahan manalo o matalo mane me premyo namang limpak limpak para sa kanyang sarili at sana maisip ng mga pulitikong yan na ang ginagawa ni Efren ay sila dapat ang may responsibilidad at katungkulan dahil kabilang sila sa mga namumuno sa ating gobyerno
romel said:
sana sa mga pulitikong mahihilig sumakay sa kasikatan ng isa nating kapwa pinoy na nagbibgay din ng karangalan sa bansang pinas sa tuwing sya ay nanalo sa kanyang laban ay maka pag isip sila ng mabuti na ang mga kagaya ni Efren ang syang dapat bigyan ng pansin,suporta at tulong dahil ang ginagawa nya ay tunay namang may buting naidudulot sa ating mga kababayan at sa bansa natin na wala naman nakakamit na gantimpala para sa kanyang sarili na di tulad nung lagi nilang sinusuportahan manalo o matalo man may premyo namang limpak limpak para sa kanyang sarili at sana maisip ng mga pulitikong yan na ang ginagawa ni Efren ay sila dapat ang may responsibilidad at katungkulan dahil kabilang sila sa mga namumuno sa ating gobyerno
visie,ABU DHABI said:
you are great,we are proud of you imagine at young age you became a HERO, not only in our country but in the whole world.You made our country one.
Zen Roxas said:
The first time i heard about efren is through the radio where he was interviewed by Joel Ayala..
Congratulation and mabuhay ka Efren. Hindi mo magagawa ang lahat ng iyan without that LOVE coming from your heart. It’s one thing that GOD has put into each one of us. In your case, you have that selfless love. Keep that love burning and may your Dynamic teen increase. The unsung heroes of today!
Maria Richel Samonte said:
I just wanted to say how proud I am of you Efren. I’m a Filipino-American who knows little about how it is now in the Philippines. I was there studying 1991-1994 and I know about the hardship of life while the rich are getting richer. I just hope that with your winning this award it will embarrass the Macapagal Administration on how “fat” their getting with the wealth that is suppose to go this poor kids. I wonder how they sleep at night knowing that a few miles away there are people hungry, children un-educated, gangs marching the streets and old folks without any medical assistance. These are issues that we should not be hearing by now…I don’t understand how Vietnam surpassed Philippines when they’ve just had a war or even Korea. Every year life has gotten worst in the Philippines…we need more Efrens to stand up and take action when the government is ignoring the cries of the children.
Oliver Cafe said:
Congratulations! I’m very proud of you all. I’m happy that you’re now internationally recognized. With that you will surely be able to do more and inspire others as well to do the same. I hope I can also realize my own dream to help other people in ways close to my heart and talent. I hope to help you in some ways too in whatever way I can. God bless you all.
Miriam said:
Congratulations Efren….you deserved it.
I am truly proud of you. Keep up the good deed. God bless you always and be with you on this journey.
marlon said:
Congratulations, Efren! We truly are proud of you, proud of the inspiration you thought us, and proud being a Filipino like you! You are truly is a hero..
But I wonder among us here who posted comments are ready and willing to at least do little things like his. He basically don’t need our thanks and praise but us working together, sharing and cooperating on just one little cause.
This could be a great token of appreciation to what he did if we all are.
God bless you all!
Marc Salamat said:
kuya efren ikaw ngyon ang Bagong Jose Rizal na naging simbolo sa amin ngyon upang abutin ang mga pangrap at binigyan mo kami ng Inspirasyon.
SAlamat ng marami sa iyo kuya efren, napaka buti mong tao kaya pinagpala ka ng Poong Maykapal.
Congrats nga po pla sa iyo na naging CNN HEROES 2009 at sa inyong grupo.
Sana po hindi kayo magamit ng ilang mga pulitiko na gagamitin lamang nila para sa kanilang pang sarili
Patnubayan pa nawa kayo ng Poong Maykapal.
-Marc from Bulacan
Melimar Punzalan-Delis said:
Congratulations to you Efren and to the whole DTC!
I know that all your efforts and sacrifices are not being taken for granted from above. And because God see’s your humble heart, He will continually shower you blessings upon blessings far more you can ever imagine.Continue doing what you believe is right and pleasing to God, just give your best and He will do the rest! I salute you guys! Keep it up for JESUS!!! You will always be in my thoughts and prayers…
Through your actions, you are not just teaching a child, you are also changing lives…
chris said:
i cant help but cry nong napanood ko sa tfc about you kuya efren ng nanalo ko being CNN heroes 2009.
mabuhay ka kuya efren, you are one in a million.
GOD BLESS kuya efren.
Angel Bisares said:
Congratulations! Efren!
We are really proud of you! I voted for you and you made it. Wow! Congratulations! you have a great accomplishment- especially to the service of the poor kids. You are an inspiration to everyone especially to us in the service career. Where ever, whatever we are doing- all of us are capable to make a change. It gives us hope and inspiration to make a difference in this world – to serve humanity sa abot na ating makakaya. You deserved the best honor. God bless to all of your members and to all your endeavors.
chielo gascon said:
NICE GOING , NOW MANY KIDS CAN STUDY
bluguy said:
minsan mo pang pinatunayan na ang pagtulong ay wala sa pera…kundi nagmumula sa isang busilak na puso..wala rin ito sa estado ng buhay, kundi mula sa hangarin ng isang pagbabago…
tama ka: we are the change that the world need to be….
salamat sa paalala…
MABUHAY KA AT ANG DYNAMIC TEEN COMPANY……
ronaldo rael said:
Im proud to be a caviteno,ipagpatuloy mo kapatid na efren ang mganda mung adhikain sana marami pang efren na katulad mo,mabuhay ka..
ronaldo rael said:
Dalangin ko ang iyung tagumpay,at sana wag kang magpagamit sa mga politiko na ang hangad lamang ay ang pangsariling interes…..
Sean Paul Adams said:
Hi Efren,
Like you I am an educator. Wow! Your accomplishments are great and you have accomplished that in your early age. Keep up the good work. I supposed, saying which goes this way, “From the ashes of my failure, I will build an empire of success”, is appropriate to you. May you continue to build more empires within our country and enhance it. May the grace of God be upon you and your family and the rest of Dynamic Teen Company.
Have a blessed Christmas season.
lorna v. said:
CONGRATULATIONS to you, efren! and kudos to you and the dynamic teen company for being so inspiring to the youth, to all filipinos, and the whole world. may your tribe increase.
God bless you and keep you always
MABUHAY KAYONG LAHAT SA DTC!
arjhel v. domingo said:
sana ay malayo pa ang marating ng kariton n’yo para mas marami pa kayong kabataang matulungan, mga kabataang uhaw sa edukasyon, mga kabataang tanging hangad ay maigulong pataas ang kanilang buhay sa pamamagitan ng eduksayon. inspirasyon kayo sa lahat ng pilipino. noon pa lamang ma feayure keyo sa y-speak sa studio 23, alam kong magtatagumpay ang dynamic teen company. napatunayan n’yong sa kabila ng hirap ng buhay, may mga buhay pa ring mga bayaning handang maglingkod sa kaniyang mga kababayan…. once again congratulations and goodluck!
sue de la gente said:
keep it up DTC..
expect GOD’s abundant blessings n ur lives…
u r all God’s instrument to encourage evry individuals..
declare GOD’S GLORY thru ur ministry and thru ur lives…
GOD Bless us all…
Kuya J said:
A true hero. Please continue what you are doing Efren.
The seeds have been planted….I’m hoping that in around 15 years or so, that you will run for president and bring back the country to its glory days.
We salute you.
Marlou said:
sana ay mas marami pa kayong matulungan
ericson said:
mabuhay kayo DTC……………………………………….
because of your kariton classroom,many of the dreams of street children became greatful,it gives opportunities to them to study primary education even in a simple way.
good job for you!